Isinagawa ang kauna-unahang Region 1 Convention on Civil Registration and Vital Statistics sa Don Leopoldo Sison Convention Center na dinaluhan ng mga Civil Registrars ng buong rehiyon, na may temang “Strengthened Partnership: Key towards a vibrant, responsible and inclusive implementation of CRVS System” nito lamang ika-15 ng Oktubre 2024.
Ang pagtitipon ay pinangunahan ni Congressman Arthur F. Celeste, na kinatawan ni City Mayor Arth Bryan C. Celeste. Binigyang diin niya ang kahalagahan ng Civil Registrar’s Office sa lokal na pamahalaan bilang pangunahing ahensya sa pagtala at pag-uugnay ng mahahalagang impormasyon ng bawat mamamayan sa komunidad.
Nagsalita rin si Atty. Glaiza Mae G. Masa-oy Onia, na kumatawan kay Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Conrado M. Estrella III, at nagbigay ng makabuluhang mensahe bilang keynote speaker.
Naghatid naman ng mensahe ng suporta si Philippine Statistics Authority National Statistician at Civil Register General Undersecretary Claire Dennis S. Mapa sa pamamagitan ni Engr. Marizza B. Grande, Assistant National Statistician ng Civil Registration Service.
Layunin nito na itaguyod ang kolaborasyon at paghusayin ang mga serbisyo sa buong rehiyon uno. Ang kaganapan ay matagumpay na naisakatuparan sa pamamagitan ng Civil Registrar’s Association in Region 1 sa pamumuno ni President Lourdes M. Llamas, katuwang ang Regional Statistical Service Office I na pinangunahan ni Regional Director Atty. Sheila O. de Guzman, CPA, at ang ating City Civil Registrar’s Office sa ilalim ni CCR Lovely D. Milles.
Source: LGU-Alaminos City, Pangasinan
Panulat ni: Sane Mind