23.6 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

Association’s Livelihood Training Program, ibinahagi ng Lokal na Pamahalaan ng Apayao

Namahagi ang lokal na pamahalaan ng Apayao ng kaalaman patungkol sa paggawa ng Coconut Fruit Processing para sa mga 39 na miyembro ng Anninipan Planters Association na ginanap sa Probinsiya ng Apayao, nito lamang ika-14 ng Oktubre 2024.

Nakatanggap ang mga benepisyaryo ng mga essential tools at equipment materials na magagamit nila upang makagawa ng coconut-based delicacies at iba pang mga produkto tulad ng suka, at ibang raw materials.

Bukod dito, nabigyan din ng P5,000 cash assistance para sa kanilang kapital. Ang naturang programa ay pinamunuan ni Mayor Rodolfo B. Juan, Ama ng Lungsod katuwang ang DOLE, TESDA at ng Local Government Unit ng naturang lugar.

Labis naman ang pasasalamat ng mga benipisyaryo sa tulong na kanilang natanggap na magagamit para sa dagdag kita at sa kanilang pangkabuhayan.

Layunin ng programa na ipadama ang malasakit at pagpapahalaga at pagmamahal ng pamahalaan sa mga mamamayan sa pamamagitan ng paghahatid ng mga ganitong serbisyo para sa inaasam na maunlad at mayabong Bagong Pilipinas.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles