14.6 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

Dulog at Dinig Caravan, abot kamay ng mga residente sa Lungsod ng Ilagan

Matagumpay na naisagawa ang Dulog at Dinig Caravan ng Pamahalaang Lungsod ng Ilagan, na layong dalhin ang mga programa, proyekto, at serbisyong pamahalaan partikular sa mga residente ng barangay Morado, Minabang, Pasa, at Tangcul City of Ilagan, Isabela nito lamang ika-14 ng Oktubre 2024.

Ang nasabing caravan ay bahagi ng mas malawakang inisyatibo ng lokal na pamahalaan na ilapit ang mga pangunahing serbisyo sa bawat mamamayan, lalo na sa mga nasa malalayong barangay.

Sa ilalim ng Dulog at Dinig caravan, nabibigyan ang mga residente ng direktang akses sa iba’t ibang serbisyong pampubliko tulad ng libreng medikal na konsultasyon, pagbabakuna, at pamamahagi ng mga gamot.

Bukod dito, may mga serbisyo ring handog ang mga kagawaran ng pamahalaan, gaya ng pagsasaayos ng mga dokumento mula sa civil registry, pagbibigay ng legal na payo, at pagpaparehistro para sa mga programang pangkabuhayan. Sa ganitong paraan, hindi na kinakailangang lumuwas pa ng bayan ang mga mamamayan upang makuha ang mga serbisyong ito.

Ang aktibidad na ito ay patunay ng patuloy na pagsusumikap ng Pamahalaang Lungsod ng Ilagan na mapabuti ang kalidad ng buhay ng kanilang mga residente sa pamamagitan ng direktang pakikipag-ugnayan at pagbibigay-serbisyo. Sa tulong ng ganitong mga programa, inaasahan na mas mapapalapit ang lokal na pamahalaan sa kanilang mga nasasakupan at mas epektibong maipapatupad ang mga kinakailangang proyekto at programa para sa kaunlaran ng bawat barangay.

Source: PIA ISABELA

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles