Nagsagawa ng serbisyong medikal ang Pamahalaan ng Pampanga para sa mga Kabalen na ginanap sa Bacolor Multi-Purpose Hall nito lamang Biyernes, ika-11 ng Oktubre 2024.
Matagumpay na naisagawa ang naturang aktibidad sa pamumuno ni Gov. Delta, Vice Governor Lilia “Nanay” Pineda, Mayor Diman Datu, Vice Mayor Ron Dungca, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan, kasama ang mga nars at doktor mula sa Kapitolyo.
Nakatanggap ng libreng medical check-up at distribusyon ng mga gamot para sa mahigit isang libong residente ng bayan ng Bacolor.
Ang pagpapatupad ng mga ganitong programa ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa ating mamamayan tungo sa mas progresibong lipunan.
Patuloy ang paghahatid ng serbisyo at pakikibahagi sa iba’t ibang programa ng ating pamahalaan lalo na sa sektor ng kalusugan upang mabigyan ng suporta at mabigyan ng pag-asang mamuhay ng malusog at malakas.