14.6 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

329 Lagunense, nagtapos sa Ratsada Hanapbuhay Community-Based Training Program

Nagtapos ang 329 na Lagunense sa kanilang pagsasanay mula sa proyekto ng Ratsada Hanapbuhay, Community Based-Training Program sa Laguna Sports Complex sa bayan ng Santa Cruz, Laguna nito lamang ika-14 ng Oktubre 2024.

Ang mga residente ng una hanggang ikaapat na distrito ng lalawigan ang lumahok sa nasabing proyekto kung saan sila ay binubuo ng mga kabataang hindi na nakatapos ng pag-aaral at walang trabaho ang mga magulang.

Tinuruan ang mga ito ng Basic Massage, Haircutting, Nail Technology, Dress Making at Steel Plate Welding.

Magkatuwang na naisakatuparan ang programa ng Provincial PESO Laguna kasama sina Gobernador Ramil Laurel Hernandez at Congresswoman Ruth Mariano Hernandez.

Sa kanilang pagtatapos ay binigyan sila ng Sertipiko at Starter Kit na may kalakip na pangako ng isang maayos na bukas.

Ang aktibidad ay naglalayong matulungan ang marami na matuto at makapagsimula ng munting hanap-buhay na masasabi nilang kanila.

Source: Laguna PIO

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles