14.3 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

Bahayanihan Project ng Tuguegarao Local Government Unit, pormal na iginawad sa napiling benepisyaryo

Pormal na iginawad ng Local Government Unit Tuguegarao City ang pang-48 na Bahayanihan Project sa napiling benepisyaryo sa Balzain East, Tuguegarao City noong Ika-11 ng Oktubre 2024.

Pinangunahan mismo ni City Mayor Maila Rosario S. Ting-Que ang turn-over ceremony at personal na iniabot ang Seal of Ownership sa pamilya nina Ginoong Arthur D. Allejo, matapos itong basbasan ni Pastor Ranie Dulin ng Kingdom of First World Ministries.

Masayang tinanggap ng pamilya ni Ginoong Allejo ang Seal of Ownership, kung saan personal silang nagpaabot ng pasasalamat kay Mayor Maila sa biyayang ipinagkaloob ng lokal na pamahalaan.

Samantala, binigyang-diin ni Police Captain Rosemarie Taguiam ng PNP-Tuguegarao ang kahalagahan ng proyekto na may “Kuwarto ni Neneng,” bahagi ng Bahayanihan na nagbibigay ng hiwalay na silid para sa mga kabataang babae, upang magkaroon sila ng pribadong espasyo habang sila’y lumalaki.

Layunin nitong mapabuti ang kanilang pamumuhay at matulungan silang magkaroon ng ligtas at maayos na lugar upang mag-aral, mangarap, at umunlad.

Ang Bahayanihan Project ay bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Maila na magbigay ng maayos, matibay, at disenteng tahanan para sa mga kwalipikadong residente na may lupa ngunit walang kakayahang magtayo ng sariling bahay.

Source: Tuguegarao City Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles