14.6 C
Baguio City
Friday, November 22, 2024
spot_img

Pagpapalago ng Agrikultura at Turismo sa Ilocos Norte

Inaanyayahan ni Governor Matthew Manotoc, Gobernador ng Ilocos Norte, ang mga pribadong sector na mamuhunan sa Ilocos Norte upang mapalago ang agrikultura at turismo nito.

Noong nakaraang Pebrero 3, taong kasalukuyan, sinabi ni Governor Matthew Manotoc sa “Pandesal Forum” na pinangunahan ng Kamuning Bakery Café, na ang Pamahalaang Panlalawigan ng Ilocos Norte ay malugod na tumatanggap at nagsisikap upang makakuha ng malaking tulong o puhunan upang mapalago ang lokal na ekonomiya ng probinsya na lubhang naparalisa dahil sa pandemya.

Ipinahayag din ni Governor Matthew Manotoc na ang kanyang inaasahan sa mga mamumuhunan at negosyante na tutulong sa Ilocos Norte ay ang pagtulong nila na mula sa produksyon ng sakahan, ay maging taga-proseso ng produkto at agribusiness ang Ilocos Norte.

Dagdag pa ni Governor Matthew Manotoc ay maraming agricultural surplus sa Ilocos Norte at malaking pagkakataon ito na pamuhunan sa pag-proseso ng produkto dahil nakikita niya na nahuhuli pa rin ang probinsyang kaniyang nasasakupan sa mekanisasyon, pagproseso ng produkto, at agribusiness.

Ang Ilocos Norte ay may malaking kontribusyon sa seguridad at kasapatan ng pagkain sa Pilipinas. Kabilang sa mga pangunahing produktong pang-agrikultura nito ang bawang, native shallot, dragon fruit, mangga, kamatis, at mga pananim na may malaking halaga.

Binigyang-diin ni Governor Manotoc na ang turismo sa Ilocos Norte ay nag-aalok ng multiple investment opportunities, partikular na ang white-sand ng Badoc Island na may sukat na 36 na ektarya at may isang (1) kilometrong layo lamang mula sa Bayan ng Badoc.

“We would really like to sell it to a luxury resort developer, someone who will build something responsibly and something medyo high-end. That is our hope for the island.” Dagdag pa ni Governor Matthew Manotoc.

Kabilang sa iba pang industriya na inaasahan ng Gobernador na mapabuti ay ang renewable energy ng lalawigan, business process outsourcing at information technology, pati na rin ang responsableng pagmimina.

Sinisigurado ni Governor Manotoc na hindi mapapabayaan ang mga mang-gagawa ng Ilocos Norte, lalo na ang mga magsasaka na mayroong malaking kontribusyon sa seguridad at kasapatan ng pagkain sa Pilipinas. Ginagawa din ng mga namumuno sa iba pang probinsya ng Rehiyon 1 ang lahat ng kanilang makakaya upang mapaunlad pa ang kabuhayan ng mga magsasaka at mang-gagawa, at patuloy pa rin ang mga ito sa paglulunsad ng iba’t-ibang programa para sa mga ito.

Panulat ni Berting

Source:

https://ilocosnorte.gov.ph/news/ilocos-norte-welcomes-investments-to-expand-agriculture-tourism?fbclid=IwAR1iXADOJ1qPFP6tw3jW_KQQRxqWG4Xt4O4J0oqcvlhvgp94e8v38aBDhgQ

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles