18.5 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

PGC, nakiisa sa Kick-Off Activity ng 35th National Statistics Month

Nakiisa ang Provincial Government of Cagayan (PGC) sa color fun run bilang pagsisimula ng selebrasyon ng National Statistics Month na pinangunahan ng Philippine Statistics Authority (PSA) Cagayan noong Oktubre 4, 2024.

Pinangunahan ni Provincial Treasurer Mila Q. Mallonga, na kumatawan kay Gobernador Manuel Mamba, ang grupo ng mga kawani mula sa iba’t ibang departamento ng Kapitolyo ng Cagayan.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mallonga na ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan, sa ilalim ng pamumuno ni Gobernador Mamba, ay nakikiisa sa PSA Cagayan sa 35th National Statistics Month ngayong taon na may temang, “Advancing Data and Statistics through Digital Transformation: A Road to an Empowered Nation.”

Ang mga kawani at opisyal mula sa PGC, City Government of Tuguegarao, PhilHealth, Philippine National Police (CPPO), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Coast Guard (PCG), MCNP-ISAP, Department of Labor and Employment (DOLE) Region 2, Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at iba pang ahensya ng gobyerno at mga volunteers ay aktibong lumahok sa fun run na inorganisa ng PSA-Cagayan.

Nagsimula ang aktibidad sa Capitol grounds, kung saan nagkaroon ng maikling programa bago ang takbuhan. Mula sa Capitol grounds, ang mga kalahok ay tumakbo ng 6 na kilometro patungong Rizal Park, sa harap ng Cagayan Museum and Historical Research Center.

Matapos ang fun run, isinagawa ang isang Zumba dance sa Rizal Park bilang bahagi ng pagtatapos ng aktibidad. Kasunod nito, isang programa ang isinagawa kung saan ang ilang piling kalahok ay binigyan ng special awards.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles