Nakiisa ang nasa 250 na residente ng siyudad ng San Fernando Pampanga sa isinagawang TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers) Payout ng Department of Labor and Employment at sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga na ginanap sa Bren Z Guiao Convention Center, City of San Fernando, Pampanga nito lamang Biyernes ika-4 ng Oktobre 2024.
Ang pamamahagi ng tulong ay pinangunahan nina Board Member Lucky Labung at Executive Assistant IV Mylyn Pineda-Cayabyab, bilang kinatawan ni Governor Dennis “Delta” Pineda. Ang bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng P5,000.00 matapos makibahagi sa paglilinis ng komunidad at mga kanal sa loob ng 10 araw.
Labis ang tuwa at pasasalamat ng mga residente sa tulong na natanggap.
Ang aktibidad ay nagbigay daan sa mas malawakang pag-unlad at pagbabago sa pamumuhay ng mga mamamayan, na sumasalamin sa hangarin ni Pangulong Bongbong Marcos na patatagin ang ekonomiya at maghatid ng mas maliwanag na kinabukasan para sa bawat isa.