Nagsagawa ang Pamahalaang Lungsod ng 1st OPLAN Kaluluwa 2024 Preparedness Measures Meeting sa mga empleyado ng iba’t ibang ahensya sa FMA Hall, Olongapo City Hall nito lamang Miyerkules, ika-2 ng Oktubre 2024.
Ang Pagpupulong ay inisyatibo ng naturang lungsod na pinamumunuan ni Hon. Rolen C. Paulino, City Mayor, na aktibong nilahukan ng mga tauhan ng Olongapo City PNP sa pangunguna ni Police Colonel Charlie D Umayam, City Director, kasama ang mga miyembro ng Olongapo CDRRMO at Fire-Rescue.
Ang nasabing pagpupulong ay upang paghandaan ang nalalapit na paggunita ng Araw ng mga Santo at Araw ng mga Kaluluwa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga hakbang para sa kaligtasan at kapayapaan ng komunidad.
Kasama ang iba’t ibang stakeholders, ipinakita din ng OCPO ang kanilang buong suporta at kahandaan upang matiyak ang ligtas na kapaligiran para sa mga mamamayan ng Olongapo.
Ang kooperasyon at pagsasama-sama ng mga ahensya ay isang mahalagang hakbang upang matiyak na magiging payapa at ligtas ang kapaligiran sa mga sementeryo at iba pang lugar ng paggunita.