23.6 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

218 indibidwal na naapektuhan ng baha sa Kalinga, nakatanggap ng relief goods

Nakatanggap ang 218 na indibidwal na naapektuhan ng biglaang pagbaha dulot ng masamang panahon mula sa lokal na pamahalaan sa Barangay Bulanao, Tabuk City, Kalinga nito lamang ika-2 ng Oktobre, 2024.

Batay sa ulat, ang pamamahagi ay pinangunahan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) at City Disaster Risk and Reduction Management Council (CDRRMC), na nag-validate din ng listahan ng mga pamilyang naapektuhan na isinumite ng barangay.

Ang food packsay naglalaman ng limang kilo ng bigas, ilang de-latang pagkain, at mga pack ng noodles.

Ang pamamahagi ng mga food packs sa mga indibidwal at pamilya na naapektuhan ng bagyo ay isa sa mga tungkulin ng CSWDO bilang team leader ng food at non-food response cluster.

Layunin nitong magbigay ng agarang tulong na tutugon sa mga agarang pangangailangan ng pagkain ng mga naapektuhang benepisyaryo.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles