18.6 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

Pamahalaang Lungsod ng Tuguegarao City, tumanggap ng parangal mula sa Sangguniang Panlalawigan

Binigyang pagkilala ng Sangguniang Panlalawigan ng Cagayan ang Pamahalaang Panlungsod ng Tuguegarao kasabay ng kanilang ika-109 na regular session nito lamang ika-2 ng Oktubre 2024.

Mismong si Mayor Maila Ting – Que ang tumanggap sa nasabing parangal mula sa mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni 3rd District Board Member Rodrigo De Asis, bilang pansamantalang Presiding Officer ng SP at isa sa mga principal sponsor ng nasabing resolution.

Ang nasabing pagbibigay parangal ay dinaluhan din nina Executive Assistant III Donne Angelo Oñate,  ilang opisyal ng PNP, mga bisita at kawani ng Kapitolyo.

Sa pamamagitan ng Resolution No. 2024-11-748, pinuri ng Sangguniang Panlalawigan ang LGU Tuguegarao City sa pamumuno ni City Mayor Maila Rosario S. Ting-Que sa pagkilala  sa Pamahalaang Panlungsod bilang bilang “Special Unit Awardee(LGU – City Government Level) of the year” ng Philippine National Police noong 123rd Police Service Anniversary Celebration noong buwan ng Agosto 2024.

Malugod na pinasalamatan ni Mayor Maila ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa pagkilala sa mga ginagawang pagsisikap at suporta ng LGU Tuguegarao City sa hanay ng kapulisan, upang mapabuti ang kapayapaan at kaayusan sa lungsod.

Source: Tuguegarao City Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles