23.6 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

National Social Pension para sa mga Indigent Senior Citizen, ibinahagi ng Malolos CSWDO

Ipinamahagi ng Malolos City Social Welfare and Development Office sa mga Indigent Senior Citizen ng iba’t ibang barangay ang National Social Pension sa Malolos Sports and Convention Center, Malolos, Bulacan nito lamang Martes, ika-24 ng Setyembre, 2024.

Pinangunahan ito ni Analiza R Fuentes ng City Social Welfare and Development Office katuwang ang Department of Social Welfare and Development, Federation of Senior Citizen of the Philippines, Office of the Senior Citizen Affairs at Pamahalaang Lungsod ng Malolos.

Ipinagkaloob sa 1, 282 benepisyaryo mula sa 27 barangay ng Malolos, Bulacan ang Php3,000.00 national social pension na lubos na ikinatuwa ng mga ito.

Ang naturang aktibidad ay naglalayong matulungan ang mga matatandang magkaroon ng pinansyal na seguridad sa pagtanda, lalo na kapag hindi na makapagtrabaho o kumikita ng sapat para sa pang-araw-araw na pangangailangan.

Patunay lamang ito na ang ating pamahalan ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya upang makapagbigay ng serbisyo at matugunan ang mga kailangan ng kanilang mga nasasakupan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles