Pormal nang pinasinayaan ang bagong water system na handog ni Governor Manuel Mamba, Ama ng Lalawigan, para sa mga residente ng Barangay Sto. Domingo, Piat, Cagayan noong Setyembre 16, 2024.
Ayon kay Alma Palacpac, Empowerment Officer ng bayan ng Piat, malaking tulong ang bagong water system sa barangay, lalo na’t makikinabang ang apat na purok nito. Dati’y deep well ang ginagamit ng mga residente, na naging pahirapan sa pagsalok ng tubig. Ngayon, sa tulong ng bagong water system, mas madali nang magkakaroon ng suplay ng malinis na tubig ang bawat tahanan sa barangay.
Ipinaabot ng mga residente ng Barangay Sto. Domingo ang kanilang taos-pusong pasasalamat kay Governor Manuel Mamba para sa handog na bagong water system.
Ang proyekto ay naisakatuparan sa pamamagitan ng isang resolusyon na isinulong sa pamumuno ng dating Punong Barangay Richard Biraquit, katuwang ang mga opisyal ng barangay at purok leaders, kasama ang mga kawani ng Provincial Office for People Empowerment (POPE) sa ginanap na People Empowerment Council Meeting.
Ang water system ay pinondohan ng Php387,000 mula sa “No Barangay Left Behind” na programa ni Gov. Mamba.
Source: Cagayan Provincial Information Office