Ipinagdiwang ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 1 ang ika-61 na Linggo ng 61st Fish Conservation Week sa pamamagitan ng isang media briefing na ginaganap sa kanilang Conference Hall sa Government Center, San Fernando City, La Union nito lamang ika-16 ng Setyembre 2024.
Layunin ng aktibidad na ipalaganap ang kahalagahan ng pagdiriwang at magbigay ng mga kaugnay na updates tungkol sa sektor ng pangingisda, kasama ang mga programa, proyekto, at aktibidad para sa mga mangingisda at iba’t ibang stakeholders.
Ang 61st Fish Conservation Week ay ipinagdiriwang mula Setyembre 16-20 bilang bahagi ng Maritime and Archipelagic Nation Awareness (MANA) Month na may temang “Pamana ng Karagatan: Para sa Kinabukasan, Ating Iingatan.”
Samantala, nangangako naman ang mga namumuno sa BFAR na patuloy silang magsasagawa ng mga proyekto at aktibidad kung saan may layunin na pangalagaan ang karagatan at ang mga lamang dagat.
Source: PIA Ilocos Region
Panulat ni Sane Mind