18.5 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

Groundbreaking Ceremony para sa ipapatayong Mocag-Bitag Grande Bridge, matagumpay na isinagawa

Matagumpay na isinagawa ang Groundbreaking Ceremony para sa ipapatayong Mocag-Grande bridge sa pangunguna ni Hon. Leonardo C. Pattung, alkalde ng Baggao, Cagayan, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Rowel B. Gazmen noong Setyembre 14, 2024.

Nagtipon-tipon ang mga residente upang tunghayan ang seremonya ng groundbreaking para sa inaabangang Mocag-Bitag Grande Bridge, upang mapadali ang transportasyon sa pagitan ng Barangay Mocag at Barangay Bitag Grande.

Ang nasabing proyekto ay pinondohan ng Lokal na Pamahalaan na nagkakahalaga ng 8 milyong piso at aasahang sisimulan itong gawin ngayong buwan.

Ito ay isang testamento ng pagsisikap ng Lokal na pamahalaan ng Baggao upang mapadali at mapabilis ang transportasyon para sa magandang kinabukasan.

Source: Baggao Public Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles