Matagumpay na nagtapos ang nasa 25 Persons with Disabilities (PWDs) sa Spark Technical Training Program ng Department of Information and Communications Technology na ginanap sa DICT Regional Office, Tuguegarao City, Cagayan nitong ika-12 ng Setyembre 2024.
Ang nasabing programa ay pinangunahan ng DICT Region 02 sa ilalim ng pamumuno ni Engr. Pinky Jimenez, Regional Director katuwang ang Local Government Unit ng Tuguegarao City kasama ang Persons with Disabilities Affairs Office na pinamumunuan ni Engr. Julie ann Mayette Gavino at ICT Focal Person Janine Lim.
Ayon kay Engr. Jimenez, ito ay isang hakbang upang mapaunlad ang kaalaman ng mga mamamayan sa ICT sa pamamagitan ng SPARK Initiative (Strengthening the Philippine workforce through Adaptive and Responsive Digital Knowledge) at mapalawak ang digital entrepreneurship.
Layunin nito na bigyan ng malalim na pagsasanay ang mga kalahok sa graphic design gamit ang Canva upang palakasin ang kanilang kakayahan na magkaroon magandang oportunidad sa digital world.
Source: Tuguegarao City Information Office