Isang makabuluhang 3-day hairdressing training ang matagumpay na isinagawa na nilahukan ng 25 benepisyaryo mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na naganap sa Santa Rosa Mainpower Training Center, Barangay Inspector, Santa Rosa, Nueva Ecija nito lamang ika-6 ng Setyembre, 2024.
Ang proyektong ito ay isinakatuparan sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Santa Rosa sa pamumuno ni Hon. Josepino “Otep” Angeles, Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 3 – Central Luzon sa pangunguna ni Ms. Venus F. Rebuldela, Regional Director at Orange Salon-PAK (Parlorista At barbero Kami) Foundation.
Layunin ng pagsasanay na bigyan ng sapat na kaalaman at kasanayan sa hairstyling ang mga kalahok, upang makatulong sa kanilang pangkabuhayan at magbigay ng oportunidad sa mas maunlad na kinabukasan.
Bukod sa mga kasanayan, nabigyan din ng mga starter kits ang mga benepisyaryo upang agad silang makapagsimula ng kanilang sariling mga hanapbuhay sa hairstyling.
Ang inisyatibong ito ay bahagi ng mas malaking programa ng lokal na pamahalaan katuwang ang mga pribadong grupo na layuning palakasin ang pangkabuhayan ng mga pamilyang kabilang sa 4Ps.