Patuloy na ipinagkakaloob ang review assistance sa mga estudyanteng kukuha ng professional licensure examination sa Luna, Apayao.
Ang aktibidad ay isa sa mga proyekto ni Gobernador Elias C. Bulut Jr. na naglalayong makapaghubog ng mas maraming propesyonal na magiging pangunahing tagapagpatakbo ng ekonomiya ng lalawigan.
Nakinabang sa programa ang 327 na grantees, na may kabuuang pondong Php3.29 milyon mula sa Pamahalaang Panlalawigan, na tumutulong sa mga kumukuha ng bar exam, civil service exam, medical licensure exam, at iba pa.
Sa ilalim ng programa, ang mga reviewers para sa Civil Service at Board Exam ay maaaring makatanggap ng Php10,000, habang ang mga kumukuha ng Physician Licensure exam at Bar exam ay makakatanggap ng Php20,000.
Layunin ng programa na pataasin ang tsansa ng pagpasa at katuparan ng mga mithiin ng mga nangangailangan ng pinansyal na tulong sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila sa paghahanda para sa mga pagsusulit.