Matagumpay na isinagawa ang 2024 Jobstart Technical Plan Writeshop at MOA Signing sa The First Islatel, Alaminos City, Pangasinan nito lamang ika-2 ng Setyembre, taong kasalukuyan.
Ang Memorandum of Agreement Signing na bahagi ng nasabing aktibidad ay isinagawa sa pagitan ng Public Employment Service Office sa pamamagitan ni PESO Manager Eleanor T. Bruno, Regional Director Exequiel Ronie A. Guzman ng Department of Labor and Employment Region I, at ng ilang kinatawan mula sa pribadong establishmento bilang partner employers. Kabilang dito ang Alaminos Savings & Credit Cooperative, Starman Enterprises Inc., Interconnected Business Process, Inc., The First Islatel, Kaboom Diner, at Western Horizon Skills Training and Assessment Center Inc.
Personal naman na dumalo at nakibahagi si Councilor Dahlia De Leon bilang kinatawan ni City Mayor Arth Bryan C. Celeste, Darwin G. Homebrebueno, Chief LEO DOLE-WPFO, at Mhel S. Gaspar, Senior LEO DOLE-WPFO.
Nagbahagi rin ng kaalaman si Ms. Neressa Ragasa, TESDA Specialist I bilang resource speaker ng Technical Plan Workshop.
Samantala, nangangako naman ang pamunuan ng Alaminos City, Pangasinan na patuloy nilang iaabot ang mga programa at aktibidad na makakatulong sa kanilang nasasakupan nang sa gayon ay magkaroon ang mga ito ng mas magandang pamumuhay.
Source: LGU-Alaminos City, Pangasinan
Panulat ni Sane Mind