14.3 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

Kadiwa ng Pangulo Program, tuloy-tuloy ang pag-arangkada sa Kapitolyo ng Cagayan

Nagpapatuloy sa Kapitolyo ng Cagayan ang Katuwang sa Diwa at Gawa para sa Masaganang Ani at Mataas na Kita o ‘Kadiwa ng Pangulo’ program noong ika-3 ng Setyembre 2024.

Mabibili pa rin sa Kadiwa ng Pangulo program ang mga abot-kayang presyong mga sariwang gulay, prutas, at iba pang produkto na mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan.

Layon nito na mailapit sa mga mamimili ang mga aning produkto ng mga magsasaka, mangisngisda, mga gawa ng mga Micro, Small, and Medium Enterprise (MSMEs) sa Cagayan, at mga produkto mula sa mga kooperatiba at organisasyon ng mga magsasaka at mangingisdang Cagayano.

Pinangungunahan ito ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA) at mga partner agency tulad ng Department of Agriculture-Agribusiness & Marketing Assistance Division (DA-AMAD) Regional Field Office No. 02, Department of Interior and Local Government (DILG)-Cagayan, Department of Agriculture- Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR), Department Trade and Industry (DTI).

Ang Kadiwa ng Pangulo Program ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Kapitolyo ng Cagayan ay tulong sa mga magsasaka, mangingisda, at maliliit na negosyo sa Cagayan at sa buong bansa.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles