18.4 C
Baguio City
Friday, November 22, 2024
spot_img

50 Indigent individuals, lumahok sa unang DSWD Information Serbisyo Caravan

Tinatayang 50 na indigent ang naging bahagi sa unang DSWD Information Serbisyo Caravan na isinagawa sa Mabini, Pangasinan nito lamang ika-23 ng Agosto 2024.

Naibahagi sa mga dumalo ang Family Disaster Preparedness, programa at serbisyo ng DSWD at pati na rin ang mga programa at serbisyo ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).

Nagkaroon din ng libreng check-up ang mga kalahok sa tulong ng Municipal Health Office ng nasabing bayan.

Ipinaliwanag din sa mga kalahok ang kaibahan ng DSWD at MSWDO, at ang gampanin ng lokal na pamahalaan bilang unang tagapagbigay ng tulong sa mga nangangailangan.

Pagkatapos ng training ay nakatanggap ng tulong pinansyal ang mga kalahok sa caravan. Inaasahang kanilang ibabahagi ang kaalamang natutunan sa kanilang mga kababayang hindi napasama sa aktibidad.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles