18.4 C
Baguio City
Friday, November 22, 2024
spot_img

Php13.8M tulong pinansyal, ipinamahagi sa 1,381 magsasaka at mangingisda sa Apayao

Ipinamahagi ang humigit-kumulang Php13,810,000 na tulong pinansyal sa pamamagitan ng Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolk, and Families (PAFF) program, na nakatulong sa 1,381 indibidwal mula sa 22 barangay sa Iyapan Heights, Poblacion, Kabugao, Apayao noong Agosto 13-14, 2024.

Ang pamamahagi ng tulong ay naisagawa sa tulong ng tanggapan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Apayao (PLGU), sa pakikipagtulungan ng Provincial and Municipal Agriculture Services Office (POAS at MAs).

Sa panahon ng pamamahagi, ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) katuwang ang Provincial Accounting Office (PAccO) at Provincial Treasury Office (PTO), ay nagsagawa ng panayam at pagsusuri sa mga kwalipikadong benepisyaryo upang maiwasan ang anumang hindi pagkakaunawaan.

Ipinaliwanag din nila na isang benepisyaryo lamang bawat pamilya ang maaaring maging kwalipikado.

Nagpahayag ng pasasalamat ang mga benepisyaryo sa ating Pangulo pati na rin sa Pamahalaang Panlalawigan ng Apayao para sa tulong na kanilang natanggap.

Ang aktibidad ay nagpapakita ng diwa ng malasakit at walang sawang pagbibigay serbisyo para sa ika-uunlad ng mamamayan tungo sa Bagong Pilipinas.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles