Aktibong nakilahok ang 127 estudyante ng Apayao sa isinagawang Adolescent Health Symposium na ginanap sa San Francisco Multi-Purpose Gymnasium nito lamang ika-2 ng Agosto 2024.
Batay sa ulat ang aktibidad ay pinangunahan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) bilang bahagi ng suporta at gabay sa mga kabataan sa pagharap sa mga problema ng pagdadalaga at pagbibinata.
Sa aktibidad, nagkaroon ng panel discussions, lectures, at workshops na tumatalakay sa iba’t ibang paksa ukol sa kalusugan ng mga kabataan, kabilang ang pagpapalaganap ng mental at pisikal na kalusugan, pag-iwas sa pagpapakamatay, pagbubuntis sa murang edad, kapantayan ng kasarian at pagbibigay kapangyarihan sa kabataan, at iba pa.
Bukod dito, nakakuha ang mga kalahok ng mas malalim na pang-unawa sa mga kumplikadong isyu na kinakaharap ng mga kabataan ngayon, na maaaring gamitin sa pagbuo ng mga estratehiya para sa kanilang pangkalahatang kapakanan.