Muling nagsagawa ng libreng spay at neuter sa mga alagang hayop ang Pamahalaan ng Angeles City sa Angeles City Dog Pound and Animal Shelter, City Hall Compound, Angeles City nito lamang ika-5 ng Agosto 2024.
Ang naturang aktibidad ay programa ng ama ng lungsod na si Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin Jr., at pinangunahan ng City Veterinary Office sa pamumuno ni Dr. Christian Xyric Arcilla katuwang ang mga tauhan ng Angeles City Dog Pound and Animal Shelter.
Nabigyan ng libreng serbisyong beterinaryo na spaying at castration para sa aso ng mga Angeleños na makakatulong sa pamamahala ng labis na pagdami ng populasyon ng mga hayop at pag-iwas sa pagkalat ng rabies.
Ang programang ito ay naglalayong tulungan ang mas maraming Angeleño na maging responsable sa pag-aalaga ng mga alagang hayop.
Hinihikayat ng Pamahalaang Lungsod ng Angeles ang mga pet owners na nais ipakapon ang kanilang mga alaga na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan. Ito ay isang mahalagang hakbang upang ganap na mapigilan ang rabies sa lungsod at mapanatiling ligtas ang mga residente mula sa mga sakit na maaaring makuha mula sa mga hayop.