23.6 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

Indoor Residual Spraying, isinagawa ng MHO sa mga Paaralan at Simbahan

Bilang pagtugon sa nakakabahala na pagtaas ng kaso ng dengue at bilang paghahanda sa pagbubukas ng School Year 2024-2025, isinagawa ng Municipal Health Office ang Indoor Residual Spraying (IRS) operations sa mga pribado at pampublikong paaralan at mga simbahan sa Bontoc, Mountain Province noong ika-28 ng Hulyo 2024.

Ang nasabing aktibidad ay isinagawa ng mga tauhan mula sa Municipal Health Office (MHO) sa pakikipagtulungan ng mga Barangay Local Government Units (LGUs), Department of Health – Human Resources for Health, mga nars ng Department of Education, at mga miyembro ng Sangguniang Kabataan.

Ang IRS ay isinagawa sa Saint Vincent’s School Inc. – Elementary and High School Department, Sta. Rita de Cascia Cathedral, Bontoc Central School, MP-SPED Center, Saint Michael Parish, Guina-ang Elementary School, at Guina-ang National High School.

Binigyang-diin ng mga local health officials ang kahalagahan ng pagtiyak sa pag-iwas at pagkontrol at pinayuhan ang publiko na maging maingat sa dengue at chikungunya na parehong dala ng lamok.

Samantala, pinaalalahanan naman ang publiko tungkol sa 5S laban sa dengue kung saan ang mga ito ay pagsira sa mga posibleng breeding sites ng mga lamok, pagprotekta sa sarili mula sa kagat ng lamok, maagang pagkonsulta sa doktor at pagsuporta sa fogging sa mga lugar na may mga kaso ng dengue, at manatiling hydrated.

Pinapayuhan ang publiko na maging maingat sa mga sintomas ng dengue na kinabibilangan ng pananakit ng ulo, panghihina ng katawan, pananakit ng kasukasuan at kalamnan, pananakit ng likod ng mata, kawalan ng gana sa pagkain, pagsusuka, pagtatae, at mga pantal sa balat.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles