20.5 C
Baguio City
Sunday, November 10, 2024
spot_img

90 miyembro ng 4Ps, sumailalim sa Organization Development and Leadership Training

Pinangasiwaan ng mga kawani mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Provincial Office ang Organizational Development and Leadership Training ng mga 90 na nakapasa sa profiling na miyembro ng 4Ps sa 3rd Floor Municipal Building, Mangaldan, Pangasinan nito lamang Hulyo 30, 2024.

Nagpakita din ng suporta si Municipal Agriculturist Merle Sali na siyang katuwang ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan sa programang SLP ng DSWD.

Ayon kay Project Development Officer II Jennifer Baltazar, ang nasabing training ay para sa Capability Building Activity kung saan ang mga miyembro ay pumili ng kanilang pinuno para sa itatayong kooperatiba.

Nagbilin naman si Mayor Bona Fe de Vera-Parayno na kanilang alagaan ang lupang kanilang pagtataniman dahil ang magiging bunga ng kanilang tanim ay bibilhin ng pamahalaan para gamitin sa mga programa ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) gaya na lamang ng supplemental feeding program sa mga day care students.

Dagdag pa ni Mayor Bona, ang mga kwalipikadong miyembro ay kailangang magpakonsulta sa Mangaldan Primary Care Facility sa pamamagitan ng Philheath Konsulta Program upang masigurong sila ay malusog at handang sumabak sa bagong pangkabuhayan.

Ang programang ito ay malaking tulong para sa mga myembro ng 4Ps para magkaroon ng dagdag pangkabuhayan at masustentuhan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.

Source: PIO Mangaldan

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles