Naghatid ng relief goods ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga sa mga residente ng Barangay San Pedro Cutud, Pampanga na nalubog sa baha nito lamang Sabado, ika-27 ng Hulyo 2024.
Ang naturang aktibidad ay pinamunuan ni Hon. Dennis Pineda, Gobernador ng Pampanga, kasama ang mga empleyado mula sa iba’t ibang sektor ng Kapitolyo.
Ayon kay Gobernador Pineda, “Tayo ay narito upang siguraduhing may sapat na pagkain at pangangailangan ang ating mga kababayan sa gitna ng ganitong kalamidad. Patuloy tayong magbibigay ng suporta hanggang sa makabalik sa normal ang kanilang pamumuhay.
Layunin ng aktibidad na mabigyan ng agarang tulong ang mga nabaha dulot ng bagyong Carina at patuloy naman ang panawagan ng pamahalaang panlalawigan sa mga mamamayan na maging alerto at makinig sa mga abiso ng lokal na pamahalaan upang maiwasan ang anumang sakuna sa hinaharap.