Ipinagdiwang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Apayao ang National Disability Rights Week sa ECBJR Evacuation and Multipurpose Building (Aliwa Gym) sa San Isidro Sur, Luna, Apayao noong ika-25 ng Hulyo 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Gobernador Elias C. Bulut, Jr., kung saan inanunsyo ang suporta sa mga PWDs at ang Bagong Urgent Care and Ambulatory Services (BUCAS) Center, na nagbibigay ng mga agarang serbisyong pangkalusugan, kabilang ang mga munting operasyon sa mga Apayaos.
Ang kaganapan ay nagtampok din ng libreng pagsusuri sa mata para sa mga PWDs, na sinundan ng isang General Assembly ng Provincial Disability Affairs Office (PDAO).
Ang aktibidad na may temang “Promoting Inclusion: Celebrating Abilities and Advocating Access” ay binigyang-diin ang kahalagahan ng pagtatanggol sa mga karapatan ng mga taong may kapansanan (PWDs) at pagdiriwang ng kanilang mga kontribusyon tungo sa Bagong Pilipinas.