Namahagi ng tulong-pinansyal sa mga kababayang magsasaka at mangingisda ng Pangasinan at kabuuan ng Region 1 si Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., sa Narciso Ramos Sports and Civic Center sa Lingayen, Pangasinan noong ika-19 ng Hulyo 2024.
Pinangunahan ng mga lokal na opisyal, kabilang sina Governor Ramon V. Guico III, Vice Governor Mark Ronald Lambino, 1st District Congressman Arthur F. Celeste, at kanyang anak na si DAR Undersecretary for Field Operations Atty. Kazel Celeste, ang mainit na pagsalubong at taos-pusong pagpapasalamat sa Pangulo. Nakiisa rin ang iba pang mga lider ng probinsiya sa pagtanggap sa Pangulo.
Kasama ni Pangulong Marcos Jr. sa pag-aabot ng tulong at paghahatid ng serbisyo ng national government sa mga naapektuhan ng El Niño sina DAR Secretary Conrado Estrella III, DSWD Secretary Rex Gatchalian, at DA Secretary Tiu Laurel Jr.
Sa pamamagitan ng tulong-pinansyal, mabibigyan ng pagkakataon ang mga magsasaka at mangingisda na makabangon mula sa epekto ng El Niño.
Ito ay makakatulong sa pagtaas ng kanilang ani at kita, na siyang magsusustento sa sektor ng agrikultura, isang mahalagang bahagi ng ekonomiya tungo sa Bagong Pilipinas.
Source: LGU-Alaminos City, Pangasinan