Naghatid ng libreng Mobile Gamutan ang lokal na pamahalaan ng San Ildefonso para sa mga residente ng Barangay Garlang at Anyatam, San Ildefonso, Bulacan nito lamang Biyernes, ika-12 ng Hulyo 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Hon. Gazo Galvez, Mayor ng San Ildefonso, kasama ang Municipal Health Office na pinamumunuan ni Dr. Reginell Nunez.
Sa pagpapatupad ng aktibidad, nagkaroon ng mga libreng serbisyo tulad ng Medical Check-up, Laboratory Examinations, Dental Check-up at libreng eyeglasses para sa mga senior citizens.
Nagkaroon din ng Sanitary Inspection sa Barangay at Health Promotion Activity, Bedridden Check-up, Feeding Program, at Vitamins para sa mga bata at buntis na naglalayong mapabuti ang kalagayan ng kalusugan ng mga residente sa nasabing mga lugar.
Ang aktibidad ay nagbigay ng malaking kontribusyon sa mga mamamayan at komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng serbisyo pangkalusugan.
Ito ay nagpapakita ng pagtutulungan at pagkakaisa sa pangunguna ng lokal na pamahalaan at angkop sa adhikain ng kasalukuyang administrasyon na mapabuti ang kalagayan ng kalusugan ng mga Pilipino.