Nagsagawa ng fumigation ang pamahalaan ng Angeles City sa iba’t ibang pampublikong paaralan ng lungsod nito lamang ika-5 ng Hulyo 2024.
Ang naturang aktibidad ay programa ng Ama ng Lungsod na si Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin Jr., katuwang ang Angeles City Economic Development Investment Promotions Office (ACEDIPO) na pinamumunuan ni Irish Bonus-Llego.
Ang pamahalaang lungsod ay nagsagawa ng 4S strategy — search and destroy, self-protection measures, seek early consultation, say yes to fogging in case of outbreak laban sa dengue sa mga pampublikong paaralan bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan.
Layunin ng Pamahalaang Lungsod ng Angeles na tiyaking ligtas ang mga mag-aaral at guro mula sa dengue sa loob ng paaralan upang maiwasan ang sakit na dala ng lamok.