Nagsagawa ang Pamahalaan ng Pampanga ng pamimigay ng tulong pinansyal sa mga magsasaka na naapektuhan ng krisis dulot ng El Niño na idinaos sa Arayat Pampanga, nito lamang Huwebes, ika-20 ng Hunyo 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Gobernador Dennis “Delta” Pineda, katuwang ang PDDRMC sa pangunguna ni Hon. Angelina Blanco, Chief ng PDRRMO, Hon. Madir Alejandrino, City Mayor ng Arayat at Hon. Bon Alejandrino, Vice Mayor ng Arayat.
Kabuuang 343 magsasaka mula sa Barangay Candating, Arayat ang tumanggap ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng 2,000 na naglalayong mabawasan ang kanilang mga gastusin sa irigasyon at kuryente.
Malaking pasasalamat at tuwa ang naramdaman ng ating mga kababayan na nakatanggap ng tulong galing sa Pamahalaan ng Pampanga.
Layunin ng proyekto na lahat ng kwalipikadong magsasaka ay makatatanggap ng kinakailangang suporta upang malampasan ang mga hamong dulot ng El Niño.
Prayoridad ng pamahalaan ang paghahatid ng serbisyo sa mga mamamayan upang lahat ay mabigyan ng pantay-pantay na karapatan at matugunan ang kanilang pangangailangan sa lahat ng aspeto.