15.2 C
Baguio City
Sunday, November 17, 2024
spot_img

ALKAT Program, isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Benguet

Isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Benguet ang ALKAT (Arugang Lokal para sa Kalikasan at Taong-Bayan) Program na idinaos sa Topdac Communal Forest, Topdac, Atok, Benguet nito lamang ika-17 ng Hunyo 2024.

Nanguna sa aktibidad ang Benguet PDRMMO at Benguet Environment Natural Resources Office (BENRO) kasama ang 61 stakeholders mula sa iba’t ibang sektor kabilang ang Lokal na Pamahalaan ng Barangay Topdac at Abiang, BPATs, BHWs, Topdac Elementary School, DepEd Tayo Topdac Es, Young Environmentalists Society, mga lokal na kabataan , Bosco Youth Ministry-Cadian, Philippine National Police, Local Bantay-Gubat, CENRO-Buguias, at iba pa.

Todo-suporta ang ibinigay ni Gobernador Melchor Diclas sa pagpopondo sa nasabing aktibidad at kanyang binigyang-diin ang kahalagahan ng likas na yaman tulad ng kagubatan sa kasalukuyan at sa mga susunod na henerasyon.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Ginoong Abner Lawangen, Local Disaster Risk Reduction and Management Officer IV, sa mga stakeholders sa pagtugon sa kanilang panawagan na protektahan at pangalagaan ang mga natitirang kagubatan.

Ang aktibidad ay isang multi-pronged program na naglalayong palakasin ang mga grassroots accountability sa pagpapahusay ng mga serbisyo ng ecosystem ng lokal.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles