14.5 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

Mga Dating Miyembro ng Kagimungan Anakpawis, Kinundena ang Kalupitan ng CTG

500 na dating miyembro at taga-suporta ng Kagimungan at Anakpawis kinundena ang panlilinlang at pagmamalupit ng Communist Terrorist Group at kanilang mga Legal front organizations sa isinagawang Cagayan Peace Convention sa Cagayan Provincial Capitol noong Lunes, Pebrero 21, 2022.

Ayon kay Balanni Barangay Captain Mauricio Aguinaldo, SAMBAYANAN-Cagayan Chapter Coordinator at isang dating rebelde, ang aktibidad ay inisyatibo ng Cagayan Alliance for Peace and Development upang ipakita ang kanilang suporta sa kampanya laban sa insurhensiya sa lalawigan ng Cagayan.

“Daytuy nga organisasyon ket napintas para awanin ti papanan pay ti armado. Labanan mi dagiti NPA! Maysa kami nga tumulong ti gobyerno ken tumulong nga mangiwaragawag ti tattao nu kasanu iti kinadakis nga ar-ramiden ti CPP-NPA-NDF. Haan mi ipalubos pay nga adu ti matay gapu lamang ti aramid iti teroristang CPP-NPA-NDF!”, ani Aguinaldo.

Samantala, ayon naman kay Alias Victor, dating Kagimungan Organizer sa Sto. Niño, Cagayan, tinatakot umano siya noon ng mga miyembro ng teroristang grupo kung hindi niya susundin ang mga pinapagawa ng mga ito.

Dagdag pa niya, “Narigat. Kasi uray kapigsa trabaho mi nu kayat da kami nga ayaban mapilitan kami nga mapan. Kasi nu madi kami makituntong kenyada adda ibaga da ken pamilya mi ti delikado. Amin kuma nga ti sumupsuporta ti NPA tuladan da kami nga agsubli ti sidung ti gobyerno tapnu maramanan da met nu kasanu ti pammateg ti sidung ti gobyerno.”

Sa naturang aktibidad ay nanumpa ang mga kalahok ng pakikipag-alyansa sa gobyerno upang tapusin na ang Local communist armed conflict sa bansa. Maliban dito, sinunog din nila ang mga bandila ng Anakpawis, Kagimungan, at ang Terrorist Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) pati na rin ang effigy ni Ose Maria “Joma” Sison.

Bukod pa dito, namahagi rin ang Pamahalaang Panlalawigna ng Cagaya ng bigas, medical kit, vegetable seeds, gamut, facemask, at financial assistance sa mga dumalo.
Nagkaroon din ng pulong-pulong kung saan sinagot ng pamahalaang panlalawigan ng Cagayan ang mga problema at hinaing ng mga dating rebelde upang ang mga ito ay matugunan at masolusyonan kaagad ng ating pamahalaan.

Nagmula ang mga dating rebelde sa iba’t ibang bayan sa probinsya ng Cagayan kagaya ng Sto. Niño, Rizal, Aparri, Baggao, Sta. Ana, Tuao, Sta. Teresita, Gonzaga, Abulug, Amulung, Lal-lo, Allacapan, Alcala, Buguey, Piat, at Pamplona.

Sa panulat ni Crisante Alab

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=321247263382341&id=100064912081793

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles