Nagsagawa ang Provincial Health Office (PHO) ng 2nd Quarter Capitol Bloodletting Activity sa Robinsons Mall, Tuguegarao City, Cagayan bilang bahagi ng ika-441 Aggao Nac Cagayan nito lamang ika-18 ng Hunyo 2024.
Naging katuwang ng PHO sa bloodletting activity ang Philippine Red Cross Cagayan at ang mga district hospital ng lalawigan.
Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Rebecca Battung, umabot sa 94 bags ng dugo ang nakulekta kung saan nalampasan ang target na 70 donors sa isinagawang aktibidad.
Base sa datos, ang mga boluntaryong nagdonate ng dugo ay kinabibilangan ng mga regular donor ng PCG, mga kawani ng CPPO, 2nd CPMFC, PCG, BFP, MBLT-10, ilang empleyado ng national agencies, at private individuals.
Layunin ng aktibidad na ito na maging sapat at tuloy-tuloy ang suplay ng dugo sa CVMC at PRC-Cagayan na makatutulong sa mga nangangailangan at upang makapagsagip ng buhay.
Source: CPIO