15.8 C
Baguio City
Saturday, November 16, 2024
spot_img

Training on Mat Nursery Preparation, isinagawa ng Pamahalaan ng Tarlac City

Matagumpay na isinagawa ng pamahalaang lungsod ng Tarlac ang pagsasanay ukol sa makabagong pamamaraan sa pagtatanim para sa mas produktibong pagsasaka sa Barangay Culipat, Tarlac nito lamang Miyerkules, ika-5 ng Hunyo, 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Hon. Cristy Angeles, City Mayor, katuwang ang Local Government Unit at iba pang stakeholders.

Naging tampok sa programa ang pagtuturo sa mga magsasaka kung papaano ang paggawa ng mat nursery rice na gagamiting pananim.

Nagkaroon din ng demonstrasyon sa wastong pamamaraan ng paggamit ng mechanical transplanter sa mga ito upang mabawasan ang uprooting shock of seedling, mapanatili ang espasyo, at mabawasan ang stress workload at health risks sa mga magsasaka.

Ayon kay Mayor Angeles, ang ganitong pagsasanay ay malaking tulong upang mapabilis ang pag-aani ng palay at makatitipid sa gastos sa labor kumpara sa manual transplanting.

Panulat ni Mildred A Tawagon

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles