16.3 C
Baguio City
Friday, November 15, 2024
spot_img

Libreng tuli para sa maga bata, inihandog ng Pamahalaan ng San Ildefonso

Nagsagawa ng programang Libreng Tuli para sa mga bata ang pamahalaan ng San Ildefonso na ginanap sa RHU I, Poblacion, San Ildefonso, Bulacan nito lamang Martes, ika-4 ng Hunyo 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Hon. Gazo Galvez, Mayor ng San Ildefonso katuwang si Dr. Reginell Nuñez, Office of the Municipal Health Officer kasama ang iba pang Local Government Unit at Barangay officials.

Matagumpay na naisakatuparan ang nasabing programa dahil sa tulong at inisyatibo ng mga Local Officials.

Layunin nito na bigyang halaga ang kalusugan ng mga bata at kanilang kapakanan.

Ayon kay Mayor Gazo, ang kalusugan ng kanyang mamamayan ang kanyang uunahin at laging papahalagahan.

Libreng serbisyong medikal ang palaging handog at sila mismo ang bababa sa mga barangay upang ito ay ipagkaloob.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles