21.1 C
Baguio City
Friday, November 15, 2024
spot_img

Araw ng Kalikasan 2024, ipinagdiwang ng LGU Casiguran

Ipinagdiwang ng LGU Casiguran ang Araw ng Kalikasan 2024 na may temang “Pagpapanumbalik ng Lupa, Pag-iwas sa Disyerto at Katatagan sa Tagtuyot” sa Barangay Tabas, Casiguran, Aurora nito lamang Miyerkules, ika-5 ng Hunyo 2024.

Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ni Mayor Roynald S. Soriano katuwang ang MENR Office na pinamumunuan ni For. Jestonee C. Bitong at sa pakikipagtulungan ng DENR-CENRO Casiguran.

Ibinahagi ni CENRO Baes ang kahalagahan ng pagdiriwang ng buwan ng kalikasan at nagsagawa ang mga kalahok ng isang clean-up drive sa ilog ng Casiguran na matatagpuan sa Barangay Calantas, Tabas, 01, 04, 06, 08 at Lual na nakatuon sa pag-alis ng mga water lily na nagdudulot ng pagbabara sa ilog.

Ang aktibidad na ito ay buong pwersang sinuportahan ng Philippine Coast Guard, Aurora 2nd Provincial Mobile Force Company, Casiguran MPS, Municipal Civil Registry Office, at aktibong pakikilahok ng Barangay Local Government Unit (BLGU) mula sa iba’t ibang Barangay na pinangungunahan ng kanilang Barangay Captain.

Ang Araw ng Kalikasan ay isang mahalagang plataporma para sa pagpapalakas ng kamalayan ng komunidad, pagsusulong ng pag-unlad at aksyon para sa kalikasan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles