Umabot sa 9,943 residente mula sa 20 barangay ang benipisyaryo sa Kapitolyo sa Barangay Program hatid ng Lokal ng Pamahalaan ng Pampanga nito lamang Martes, ika-18 ng Marso 2025.
Ang naturang aktibidad ay pinamunuan ni Hon. Governor Dennis “Delta” Pineda, Governor ng Pampanga, kasama sina Board Member Jun Canlas, Special Assistant to the Governor Angelina Blanco, PSWD Officer Fe Manarang, Mayor Jun Tetangco, Mayor Philip Naguit, Mayor Tonton Bustos, Vice Mayor Dan Guinto, at ilang miyembro ng Sangguniang Bayan ng Masantol.
Bilang bahagi ng nasabing inisyatiba, namahagi ng food at cash assistance sa mga Kabalen bilang tulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Upang matiyak ang maayos na daloy ng programa at pamamahagi ng ayuda, nagtulungan ang mga kinatawan mula sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), Provincial Treasurer’s Office (PTO), at General Services Office (GSO).
Sa pamamagitan ng Kapitolyo sa Barangay, patuloy na naipaparamdam ng pamahalaang panlalawigan ang malasakit at pagtulong sa bawat mamamayan, lalo na sa mga nangangailangan. Patunay ito ng patuloy na pagsisikap ng gobyerno upang mas mapalapit ang serbisyo sa taumbayan.
