13.5 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

94 Magsasaka sa Pangasinan, nahandugan ng titulo ng lupa mula sa Department of Agrarian Reform

Hinandugan ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang 94 magsasaka ng Pangasinan sa Sison Auditorium ng Lingayen, Pangasinan noong Abril 8, 2022.

Ito ay alinsunod sa Project SPLIT o ang Support to Parcelization of Lands for Individual Titling ng DAR.

Layunin nitong mabigyan ang mga magsasaka ng libreng titulo sa kani-kanilang lupang sakahan.

Sinabi ni Virginia Orogo, DAR Undersecretary for Foreign-Assisted and Special Projects Office na ingatan at alagaan ng mga magsasaka ang lupang inihandog sa kanila.

Samantala, sinabi din ni Hon. Amado Espino, Governor ng Pangasinan sa mga magsasaka na huwag ibenta o gawing pambayad sa utang ang lupang ibinigay sa kanila.

Dagdag dito, nagpapasalamat si Hon. Espino sa DAR at World Bank na pumondo sa proyekto na nagkakahalaga ng Php24.6 bilyon.

Noong Marso 31, napatunayan ng Field Validation Teams na may 9,093.3 ektarya o 1,136 may-ari ng lupain sa Pangasinan ang naigawad sa 5,935 magsasaka (3,472 lalaki at 2,463 babae).

Source: https://www.pna.gov.ph/articles/1171844

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles