16.2 C
Baguio City
Sunday, November 17, 2024
spot_img

92 Benepisyaryo mula Pangasinan, tumanggap ng tulong pangkabuhayan

Nakatanggap ng tulong para sa pagpapaunlad ng kabuhayan ang nasa 92 na benepisyaryo na mga residente ng Mangatarem, Lingayen, Aguilar, at Labrador sa ilalim ng 2nd Congressional District ng Pangasinan sa tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 1-Sustainable Livelihood Program (SLP).

Umabot sa kabuuang Php1,380,000 ang Seed Capital Fund (SCF) na ipinamahagi. Ang naturang pondo ay inilaan upang matulungan ang mga kwalipikadong benepisyaryo na magtayo ng sariling mikro-negosyo na naaayon sa kanilang mga kasanayan at interes.

Bago ang pamamahagi ng SCF, sumailalim ang mga benepisyaryo sa serye ng pagsasanay sa Micro-Enterprise Development upang mapabuti ang kanilang mga kakayahan sa pamamahala at pinansyal na kaalaman.

Layon ng programa na mapalakas ang kalagayan ng mga benepisyaryo sa aspeto ng ekonomiya at lipunan sa pamamagitan ng suporta sa kanilang mga negosyo.

Ang DSWD ay magpapatuloy sa pagmomonitor upang tiyakin ang tagumpay at pagiging matatag ng mga negosyo na itinatag ng mga benepisyaryo.

Panulat ni Malayang tinta

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles