16.2 C
Baguio City
Monday, January 20, 2025
spot_img

90 Miyembro ng unyon sa Nueva Viscaya, benepisyaryo ng Farm Input Business

Ginawaran ang 90 miyembro ng Samahan ng mga Manggagawa sa Global Heavy Equipment and Construction Corporation (SMGHECC) sa Quezon, Nueva Vizcaya mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) ng negosyong farm input retail kamakailan sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program.

Bukod sa mga miyembro ng asosasyon, 25 na mga magulang at guardian ng child laborers din ang nabigyan ng kabuhayan package sa bayan ng Alfonso Castañeda.

Umabot sa higit P2.19 milyong pisong halaga ng tulong pang-kabuhayan ang naipagkaloob sa mga benepisyaryo. Sumailalim din sila sa Business and Work Improvement Course upang mahasa ang kanilang kakayahan sa pamamahala ng negosyo.

Layunin ng nasabing programa na mabigyan ng dagdag at sustenableng kita ang mga miyembro ng organisasyon na ang hanapbuhay din ay pagsasaka ng gulay.

Source: DOLE Region 2

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles