22.7 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

9 na bayan ng Abra mahigpit na binabantayan ng COMELEC

Bangued, Abra – Pinapavalidate ng opisina ng Provincial Election Office ng Abra ang status ng siyam na munisipalidad sa lalawigan na nauna nang isinailalim sa yellow category ng Commission on Elections kaugnay sa National at Local Elections sa darating na Mayo 9, 2022.

Ayon kay Provincial Election Supervisor Ricardo Lampac, ang kanyang tanggapan ay nakatanggap ng pinakahuling advisory mula sa poll body tungkol sa pagkakategorya ng 27 bayan ng lalawigan kaugnay sa paparating na halalan.

Sa ilalim ng advisory ng COMELEC, ang mga bayan ng Bangued, Dolores, Penarrubia, Pidigan, Tayum, Pilar, San Juan, Lagayan, at Tineg ay isinailalim sa yellow category na nangangahulugang may matinding political rivalry sa mga kandidato at mga tagasuporta.

Ang natitirang 18 pa na bayan ay inuri naman bilang green category na itinuturing na mapayapa at maayos ang kasaysayan kaugnay sa halalan.

Sa kasalukuyan, hindi nakapagtala ang COMELEC ng red category na tumutukoy sa mga lugar na may matinding tunggalian sa pulitika, mayroong kasaysayan ng karahasan at mga insidenteng nauugnay sa halalan, at pagkakaroon ng mga pribadong armadong grupo.

Wala ding bayan sa lalawigan ng Abra ang naitala sa orange category na umuuri sa mga lugar na may matinding political rivalry at may kasaysayan ng election-related violence.

Ipinunto ni Provincial Election Supervisor Lampac na may ilang bayan ang hindi dapat kabilang sa listahan ng yellow category dahil walang pagpapahiwatig ng karahasan sa mga tumatakbong kandidato habang may mga lugar naman na wala naman talagang parameter na intense o tunggalian sa pulitika.

Bukod pa dito, sinabi din niyang magsusumite ang kanyang tanggapan ng mga rekomendasyon batay sa totoong sitwasyon ng mga nabanggit na lugar.

“Ang poll body ay patuloy na makikipag-ugnayan sa mga kinauukulang sektor upang makuha ang kanilang pangako sa pagsuporta sa pagsasagawa ng isang ligtas, mapayapa, maayos at malayang halalan sa lalawigan ng Abra”, ani Lampac.

Dagdag pa niya na ang mga provincial election officers ay nakikipag-ugnayan sa COMELEC kasama ang mga pulisya at militar gayundin sa mga election watchdog, ay patuloy na magsisikap upang makamit ang nais na mapayapa at maayos na halalan.

Ang lalawigan ng Abra ay inuri bilang isang election hotspot noong halalan 2019 dahil sa maraming naitalang karahasan kaugnay sa halalan at mga insidente na nagresulta sa pagpatay sa mga pulitiko at kanilang mga tagasuporta.

#####

Source: https://l.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fwww.manilatimes.net%2F2022%2F03%2F09%2Fnews%2Fregions%2F9-abra-towns-under-close-comelec-watch%2F1835594%3Ffbclid%3DIwAR3vEdesy7HiIk-dsKreklaO_YlzKmIvo_K6m0nxBdjGOGsBx5USm8vF2tY&h=AT0EeYXFCH-JEuDN4PpTZqWHgWELqNaxeiBWr6-V_v_THNnNHEFSUwO1pBiZf4G-nDT3fNbdmgKZpg5F2sKUTV8I-RVncBmdQCWv0f2cA9BgeGvN-MEvFwvEneP4pmALGiyx-Q

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles