21.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

9 Iskolar ng kasundaluhan inirehistro na sa Lyceum of the East-Aurora

Sinimulan ng inirehistro ng 91st Infantry “Sinagtala” Battalion ang kanilang mga iskolar sa Lyceum of the East-Aurora, Barangay Florida, Maria Aurora, Aurora nito lamang ika-29 ng Hulyo 2022.

Ayon kay Lieutenant Colonel Julito B Recto Jr, Acting Commander ng 91IB, siyam na mag-aaral ang kanilang nairehistro na kukuha ng iba’t ibang kurso sa kolehiyo.

Ang mga mag-aaral ay papasok na sa ika-15 ng Agosto 2022.

Ayon pa kay LtCol Recto Jr., na dalawa sa iskolar ay dating miyembro ng CPP-NPA-NDF. 

Siniguro ng hanay ng kasundaluhan na maipapamahagi sa mga benipisyaryo ang nararapat na tulong sa kanilang pag-aaral.

Pinuri naman ni Major General Andrew D Costelo, Commander ng 7th Infantry “Kaugnay” Division ang 91IB sa kanilang walang kapaguran at walang sawang pagtulong sa mga mamamayan lalong-lalo na ang mga kabataan na naging biktima ng mapanlinlang na teroristang CPP-NPA-NDF.

Sa pamamagitan ng programang ito magiging posible ang pag-abot ng mga pangarap ng mga iskolar. Nawa’y maging daan din ito upang mapabalik sa kanlungan ng gobyerno ang iba pang miyembro ng terorista at tuluyang talikuran ang maling ideolohiya.

Source: 7th Infantry “Kaugnay” Division

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles