19.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

8,995 Family Food Packs mula DSWD, nakarating na sa probinsya ng Batanes

Nakarating na sa probinsya ng Batanes ang 8,995 Family Food Packs (FFPs) mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong ika-10 ng Nobyembre 2024.

Ang mga FFPs na ito ay layong magbigay ng agarang tulong sa mga residenteng naapektuhan ng mga nagdaang bagyo na nagdulot ng matinding pinsala sa lalawigan. Bukod dito, bahagi rin ito ng paghahanda ng DSWD sa posibleng pagdating ng Bagyong nika.

Ang pamamahagi ng mga FFPs ay naisakatuparan sa tulong ng BRP Gabriela na lulan ng Philippine Coast Guard at C-130 aircraft ng Philippine Air Force. Sa kabila ng hamon ng transportasyon dahil sa lagay ng panahon at kalayuan ng Batanes, matagumpay na naihatid ang mga food packs upang masiguro na may sapat na suplay ng pagkain ang mga residente sa oras ng pangangailangan.

Lubos ang pasasalamat ng DSWD sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Batanes at sa iba pang mga ahensyang tumulong upang maisakatuparan ang distribusyon ng mga FFPs. Ang pakikipagtulungan ng PCG, PAF, Bureau of Fire Protection, Philippine National Police, Philippine Army, Philippine Navy, at mga reservist ay naging mahalaga sa mabilis at maayos na paghatid ng tulong sa mga apektadong komunidad.

Ang DSWD ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga ahensya ng gobyerno at lokal na pamahalaan upang masiguro ang patuloy na paghahatid ng tulong sa mga nangangailangan. Sa ganitong panahon ng kalamidad, ang sama-samang pagkilos ng iba’t ibang ahensya ay mahalaga upang maibsan ang epekto ng mga sakuna at maibalik ang normal na pamumuhay ng mga residente ng Batanes.

Source: DSWD Region II

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles