15.4 C
Baguio City
Tuesday, September 17, 2024
spot_img

868 Kabalen, nakatanggap ng Medical Assistance mula sa Pamahalaan ng Pampanga

Nagbigay ng tulong medikal ang pamahalaan ng Pampanga sa mga kabalen na may Tuberculosis na ginanap sa Lubao Gym nito lamang Miyerkules, ika- 4 ng Agosto 2024.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Governor Dennis “Delta” Pineda at Lubao Mayor Esmeralda Pineda, kasama din sa mga namahagi ng tulong sina Guagua Mayor Anthony Joseph Torres, Board Members Fritizie David Dizon.

Bukod pa dito, nakatanggap ng tig-P3,000 cash assistance ang mga benepisyaryo mula sa DSWD at food packs mula sa Kapitolyo.

Labis ang pasasalamat ng mga benepisyaryo dahil malaking tulong ito para maipagpatuloy nila ang kanilang pagpapagamot.

Patuloy ang Pamahalaan ng Pampanga na maghahatid ng mga programa at polisiya na naglalayong bigyan ng suporta ang mga mamamayan lalo na sa sektor ng kalusugan para lahat ay mabigyan ng pagkakataong makapamuhay ng malusog at masigla.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles