Ibinahagi ng Department of Science and Technology Regional Office 1 (DOST-1) ang 850 kilograms na Iron Fortified Rice sa pamamagitan ng Provincial Science and Technology Office-Ilocos Sur (PSTO-IS) sa San Emilio, Ilocos Sur ngayong araw, Setyembre 24, 2022.
Nasa 66 Indigent Household mula sa dalawang (2) Evacuation Area ng San Emilio, Ilocos Sur ang makakatanggap ng Iron Fortified Rice; 19 Household mula sa Lidaoan Evacuation Area; at 27 naman sa Dagdag Evacuation Area at 20 indigents mula sa labas ng evacuation centers ang benepisyaryo ng probisyon.
Nagpahayag naman ng pasasalamat si Ginoong Leonardo Pamilteng, Brgy. Captain ng Matibuey na siyang kumatawan sa mga benepisyaryo kasama ang mga kawani mula sa opisina ng Alkalde.
Ang pagbabahagi ng IFR ay tugon sa mga pangangailangan ng mga evacuees ng Munisipalidad na apektado ng Magnitude 7.0 North Luzon na lindol noong July 27 at ngayon ay naninirahan sa tent city.
Source: DOST 1