17 C
Baguio City
Thursday, October 31, 2024
spot_img

74 pamilya sa Sto. Niño Cagayan, nagtapos bilang 4Ps beneficiaries

Bilang bahagi ng pagbibigay parangal sa mga nagtapos na Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps beneficiaries, matagumpay na isinagawa ang Pammadayaw na Paggradua na Pantawid Pamilya sa bayan ng Sto. Niño, Cagayan nitong ika-25 ng Abril 2023.

Nasa 74 na pamilyang benepisyaryo ng programa ang nagsipagtapos at nangangahulugang nakamit na nila ang self-sufficiency level o may kapasidad na silang mamuhay batay sa sariling kakayahan, at hindi na kailangan ng dagdag na tulong mula sa pamahalaan.

Kinilala rin ang isang grantee ng Expanded Student Grants-in-Aid Program for Poverty Alleviation, o ESGP-PA na matagumpay na nakatapos sa kolehiyo.

Binigyang-diin ni DSWD Field Office 2 Regional Director Lucia Suyu-Alan sa kanyang mensahe ang pagbibigay papuri sa mga 4PS graduates. Aniya, “Kayo ang patunay na walang forever sa pagiging mahirap. Mula sa araw na ito, kayo ang magsisilbing inspirasyon sa iba pang mga benepisyaryo upang patuloy na magsumikap, magpakatatag, at magpursigi sa pagharap sa mga hamon sa buhay”.

Kaugnay nito, nagpasalamat naman sa DSWD si Municipal Mayor Atty. Vicente Pagurayan sa patuloy na paghahatid ng tulong sa kanilang bayan, “Sapay la kuma ta haan nga agsardeng daytoy nga programa ti DSWD tapno adu pay ti matulungan da ditoy lugar tayo, ken mapapintas pay ti pagbalinan ti biag dagiti benepisyaryo”.

Tampok din sa isinagawang aktibidad ang pagbabahagi ng kwentong-buhay at pasasalamat ng mga piling benepisyaryo ng 4Ps. Anila, malaking bagay na sila ay napili sa programa at labis na makabuluhan ang pagbago nito sa kanilang buhay.

Kasabay ng aktibidad, nanumpa rin ang mga opisyal ng Pantawid Parents-Leaders Association ng naturang bayan na siyang tutulong sa mga benepisyaryo upang maayos na maipatupad ang iba’t ibang programa at proyekto ng 4Ps.

Kasama sa dumalo sina Regional Director Alan, Municipal Mayor Pagurayan, Vice Mayor Vincent Andrew Pagurayan, Sangguniang Bayan Members, Municipal Social Welfare and Development Officer Rommel Tejada, DSWD FO2 4Ps Division Chief Vicenta Pamittan, Regional Advisory Council (RAC) at Municipal Action Team (MAT).

Source: DSWD Region II

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles