13.5 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

719 pamilya, nakatanggap ng P2.1M na tulong pinansyal mula sa DSWD-SWAD Apayao

Nakatanggap ng mahigit Php2.1M na tulong pinansyal ang 719 na pamilyang apektado ng bagyong Marce mula sa Department of Social Welfare and Development – Social Welfare and Development (DSWD-SWAD) Apayao Office sa Flora, Apayao nito lamang ika-26 ng Nobyembre 2024.

Batay sa report, ang nasabing tulong pinansyal ang nakinabang ay ang 719 na pamilya na ang mga bahay ay bahagyang nasira sa bagyong Marce at ang bawat pamilya ay tumanggap ng P3,000 na may kabuuang P2,157,000 sa pamamagitan ng Ayuda para sa Kapos ang Kita (AKAP) program.

Ang tulong pimansyal ay nakatulong sa mga pamilya sa pagpapagawa ng kanilang mga bahaging nasirang bahay at pagtugon sa mga agarang pangangailangan.

Samanatala, ang DSWD-SWAD Apayao, Ay patuloy nakatuon sa pagsuporta sa mga apektadong komunidad habang bumangon mula sa pinsalang dulot ng Bagyong Marce.

Ang ahensya ay nakikipagtulungan din sa mga Lokal na Yunit ng Pamahalaan (LGUs) upang sa koordinasyon ng mga hakbang sa pagtulong at tiyakin na matatanggap ng lahat ng apektadong pamilya ang kinakailangang tulong.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles